–unfading hayskul memories

Posted in read my MIND ^^ with tags , , , , , , , , , , , , , , , on July 6, 2009 by jeyden14

unfading..^^

Hayst…May mga bagay na sadyang kahit tapos na.. kahit wala na.. pilit mo pa ring hahanap hanapin at paulit ulit na babalik balikan.. oOoOops.. hindi EX ang pinag – uusapan aa. Ibang usapan na yun. :D D

Bakit kaya parang nakasuper speed ang oras sa mga panahong masaya tayo… at bakit parang nakatime freeze ang mga sandaling nagEEMO tayo? :D D

If every moment in life is happy… then where would all the adventures be? nga naman xD Hayst.. kung may climax ang buhay ko so far… yun ang hayskul life KO.. sa Pinas.  Kung isang movie ang buhay ko… blockbuster toh :D D, hehehe, ulet.. Kung isang movie ang buhay ko.. irerewind ko to sa 1st day of high school.. kung saan mas lalo kong nakilala ang sarili ko. Lights Camera… ACTION

Siguro naman, lahat tayo may kanya kanyang dahilan kung bakit unforgettable and talaga namang memorable ang ‘’high school”. Madami kasi ditong first time. Unang nagkapimple, nagkacellphone, nagkaroon  ng “barkada”, napuyat para sa project, naguidance, NANGOPYA, pumasok ng school ng walang assignment, magtake ng exam kahit di nagreview, kumain during class hours, magtext habang nasa klase, manampal ng boy classmate, umuwi ng 10pm dahil sa shooting, magovernight swimming, magdahilan kung bakit late umuwi, magvandal, magcramming, tumambay sa bahay ng classmate pagkatapos ng test, madepres pag weekend, magfoodtrip, wag matulog dahil unli, … at siguro mainlove. (tsk3, next topic pls.)

Kahit hindi ko natapos ang hayskul ko sa Pilipinas, alam kong madami pa rin akong natutunan… hindi lang sa mga teachers ko, kundi pati sa mga taong araw araw kong nakakasalamuha at sa mga taong hindi ko inakalang magiging malaking bahagi ng buhay ko.. yung tipong kahit magkakalayo na kami, mahal na mahal ko parin sila. ( naks, drama, nahawa sa kaemohan ni taweng J)

Ang dami kong nadiscover na talent ( hahaha :D , talent as in mga bagay na first time kong ginawa  nung hayskul. Ang dami kong nalaman na capable pala akong gawin ( mei ganun?!) at alam kong namimis ko na ang lahat ng ito.. lalot isang sakripisyo ang pagpasok sa bagong school ko ngayon ( babanggitin ko sana yung name ng school kaya lang maeexpose ang aking identity :P )

14. “ ui, may sagot ka na sa # 14?

Well, hindi ko ito maituturing na pangongopya. Hmm. hindi naman kasi talaga ea. Ang pangongopya kasi eh yung nakukuha mo yung mga sagot ng kaklase mo, sa ayaw niya o sa gusto, aware man siya o hindi ( tsk3, defensive!) Mas gusto ko yung term na “teamwork”. At least, merong “give-and-take” diba? Pag hindi niya alam, tatanungin ka niya, pag di mo alam, siya naman ang tanungin mo, at yung di niyo pareho alam, eh di tanungin niyo sa iba. (tsk3 common sense. :P ) Minsan kasi, tempting magtanong sa classmate mo eh nuh.  Lalo pag alam mong alam niya yung sagot.  Pero obviously, mali pa rin ito at kahit mahirap iwasan, try pa rin nating sagutan ang test all by ourselves. Hindi naman tama yung hindi ka na magrereview at aasa sa sagot ng seatmate mo. Tsk3 unfair yun (ehem..ehem)

13. Recess overtime

Bakit kapag high school, lumalakas yung loob nuh? heheh. Ganun talaga yun. Kung kailan nagbell na, saka pupunta sa canteen… tapos kung kelan tapos na yung break, eh saka kakain sa classroom. Tapos kunwari yuyuko at aayusin yung bag o kaya tatakpan ung bibig o kaya lilingon pero taimtim palang ngumunguya (style J) Pasaway eh nuh. Ok lang yun basta marunong magshare. ( magSHARE daw oh.. ehem ehem power of 6)

12.  Pimple invasion

Grrr. Sigurado akong first time kong magkapimple nung High School ako. Well, talagang nakakainis yung pimple, kung kailan kelangan mong maging “maganda” ( bakit naman?) at puge, eh saka naman nagsusulputan itong mga impurities  na to. Nakakainis talaga… Masyadong wrong timing ang mga pimples… ( buti sana kung wrong timing lang eh, eh wrong placing pa.. tama ba namang tumubo sa ilong?!) Well, ang pimples kasi eh result ng stress katulad pag masyadong maraming homework at project ( hmmm. homework daw oh? ang sabihin mo puro si ***** ang laman ng utak mo :P ) pag merong dalaw ang mga girls ( kaya wag niyo ng bwisitin ok?) pag laging puyat… tsk3 nauso pa kasi ang UNLI at kapag inlove daw ( kaechosan ! J ). Pero minsan, kapag trip ng tigyawat na magappear, wala kang magagawa, trip niya yun eh! :D

11. tetetetetetetetetext….*ting

Talagang kapag high school, lumalakas ang loob ng bonggang bongga. Lalo’t alam na bawal eh lalo pang pagpipilitang gawin. Oha, tigas ng ulo! Sabing bawal magtex sa klase eh, sino ba yang tinetex mo.. OR ano ba yang ginigiem mo? (*tamaan sapul!) Malingat lang si teacher, textex agad.. ( kahit nga di malingat eh) Nagtetex sa gilid ng palda, sa ilalim ng page ng libro, sa bag, sa bulsa at kung saan saan pa… kahit nga nahuli na eh, wala pa ring kadala dala :D Bakit kasi kapag may cellphone ka na at unli ka.. paarng nangangati yung mga kamay mo hanggat hindi mo hawak yung cellphone mo ( tsk3 oooh. exagge. J) Kapag hayskul kasi, adik adik na sa pagtetex. Halos buong buhay ginigiem ( OH! wala akong sinabing masama yun, madami akong makakalaban pag ganun) pati mga PATAMANG quotes oh. J At kahit madaling araw na tex pa rin ng tex J texting marathon kung baga. Yung tipong magtetex ka pa sa ilalim ng unan para di mahuli . ( ahaha, Gawain ko dati J)Yung tipong babanat na yung parents mo ng ganito “ Ibabato ko na yung l**tek na cellphone na yan eh” o “ Wala ka ng ginawa kundi magtex, sino ba yang katex mo? Di ba yan pinapagalitan ng nanay niyan?!” Heheh. Sa umpisa lang yan, masasanay at masasanay din yang mga yan lalo’t alam nilang di ka nila mapipigilan (tigas talaga ng ulo!) Teka, ano nga ba meron sa pagtetex? Hmmm. Hindi ko rin alam kung bakit adik adik TAYO eh. pero mas trip ko ang *telebabad :D

10. *telebabad :D

Ito ang pinakafavorite kong gawin sa buong buhay ko! ( well, depende sa kausap. J) Kung bakit, well may mga personal reasons ( arteh! mei ganun?!) Hayst, favourite ko ang telebabad. Mas approve ang parents ko dito kesa sa texting. Kaya di ako pinapagalitan. Halos lahat  kasi napaguusapan sa phone, simula sa homework, sa itsura ng teacher, sa ulam niyo  hanngang sa kung gaano kaCUTE ang smile ng crush mo. Meron pang low volume style pag “private ang pinaguusapan”. Biglang hihina yung boses, andun kasi yung mama niya o kaya papakausap muna sa kapatid habang umiihi ( style ko lang ba yun?!)Paulit ulit na nga yung dialog na “ araw – araw na nga kayo magkasama, hanggang sa telephone ba naman?” o kaya “ ui, umuusok na yung telephone aa” Naks! Classic diba? Pero eto ang favourite ko, “ sino ba yang kausap mo, kanina pa yan aa?” Sabi sa inyo eh, depende talaga sa kausap mo :) Eto pa ang cute, pag gustong gusto mo talaga yung kausap mo (weh?! gusto lang ba?!) magdedebate pa  kayo kung sino una magbababa ng phone… “ikaw  na kasi magbaba.” “’eh ikaw  na, ako naman nagbaba kahapon eh. At dahil walang gustong magbaba, ayun, “bilang ka ng one two three, tapos sabay tayo magbaba” ‘’ok. J” “’one… two… three” (*toot.. toot.. toot..) oha?! classic! Hayst. :/

9.  Men are from Mars, Women are from Venus but…

Sa Hayskul ko mas nakilala at mas nainitindihan ang opposite sex. Narealize ko na hindi pala ginawa ang mga lalaki para bwisitin ang mga babae. ( Pero kadalasan, ganun talaga J diba p***stars?!) Hindi lang puro kaartehan ang experty ng girls ( hahah, ako lang ata yun) Kahit walang pakialam ang boys pag pumasok sa room na pawis na pawis at kahit walang kasing maldita ang girls kapag may dalaw, sa hayskul mo talaga maapreciate ang presence ng same at opposite sex. Dito mo mapagtatanto na ang boys ay parang mga big bro na aalagaan ka at ipagtatanggol ka ( in ways that you never notice) at mga girls bilang mga guidance counsellor na masarap kausap mapa anung topic pa yan ( hahah, J ganun talaga.) Kahit bukambibig pa ng boys ang last DOTA match (pero nakakrelate si ailah at taweng) at walang kasingpOgi si sam milby para sa mga girls (:D ahaha, blog ko toh eh :] ) kapag naging solid na talaga kayo, di mo mamalayan na parang isang malaking *happy family ang klase niyo. Naks. J

8.  Pinocchio *

Ganun talaga pag hayskul na … humahaba ang sungay, este ilong pala. Naku, kapag nalate ng uwi.. dahil sa kung anu anung kaekekan, ayun, gagamitin na naman ang gasgas pero “klasik” pa rin na “may project kami eh” ( :D delivered with perfection!) O diba, Pinocchio style.. Pero minsan totoong may project naman talaga diba? ( minsan lang!) Habang lumalaki, napapdalas ang pagsisinungaling eh, “wala ka ng  ginawa kundi manuod ah, assignment mo?” “wala, tapos na.” O diba’ lusot agad. Hmmm, “ui, test niyo ah, nagreview ka na?” “ tapos na po.” ( di nga?) “ sino ba yang katex/ katelebabad mo?” “ ha? classmate ko.” ( classmate lang talaga? ooh.) at ang favourite ko!.. “ may boypren ka na nuh?” “nge, wala naman, anu kaya yun?!” ( suuus, ang dami pang sinabi :P ) eto pa, “may naghahatid na sayo ah” “ si Len C. (name ng katiwa- tiwalang kaibigan) lang yun)” ( nakaw.. :P )

7. *tambay MODE

Eto ang first stage ng pagiging tambay. Hopefully, matanggal ang habit na toh habang may pag- asa pa :D . Last day ng test.. maaga ang uwian, sa madaling salita, tambay mode na naman. Pwedeng sa bahay ng kaklase, magaambagan para sa sardinas, noodles, corned beef o kahit anung de lata para sa lunch, pwede din sa mcdo, kfc o Jollibee.  Tapos, kahit tapos na kumain, magstastay pa rin habang may mapagtsitsikahan pa. (oha?! Gawain nating lahat yan!) Kaya nga wala  rin masyadong nangyayari sa group work lalo’t sa bahay ng kaklase ginawa. Magtsitsismisan lang at magkukulitan hanggang walang natapos. Tapos pag uwi, “ o natapos niyo project niyo?” “ di pa nga eh, hirap kasi.” ( weh?! paano niyo matatapos, puro tsikahan ang ginagawa niyo. ay .. natin pala :])

6.  NO vandalism

tsk3.. Nakapagvandal ka na ba? Well, naalala ko lang nung 3rd yr ako at katabi ko ang dalawa kong kapatid na si *Michael ( na boypren ng gf kong si KHAYE) at ni *Taweng (na soon-to-be girlfriend ni GIAN :D )  Ayun, wala lang kung anu anung vandal lang ang ginagawa naming, palatandaan ng chairs. at kung anu ang sinusulat naming, tss, yung mga typical lang  na favourite number, codename ng crush, I love (insert name of special someone :D ) at kung anu anung kabalastugan. Pero katulad ng pangongopya, bad practice din toh :P

5. Super Hapeht  ( nice spelling)

Talaga namang.. Hinding hindi tayo makakasurvive ng isang araw ng hindi naghahapet, simula sa pagrereview sa quiz sa noli me tangere, assignment sa Math, formal theme sa English, unfinished Powerpoint sa TLE, recitation sa AP at problem solving sa Science ( *trivia: yan ang eksaktong pagkakasunod- sunod nung subjects naming nung 3rd yr.. oops, wag mo ng icheck, sigurado ako, hayst.. Masaya bang maging attendance secretary LICO? J) Ayun, sanay na sanay tayo sa paghahapet, pati sa mga unit tests, exams at project. Kahit pa binigyan tayo ng sapat na oras para gawin ang lahat ng toh, ayun , last minute pa rin natin sisimulan. Minsan kasi, (i mean madalas) nakakatamad umpisahan ang project lalo na’t alam mong matagal pa ang deadline. Diba? Buti kung “mabait” ang teacher at tumatanggap ng “better late than never projects”. Well, likas na talaga ata sa atin ang cramming eh. Mas lalo ata tayong ginaganahan kapag may time pressure. ( ayun.. tamang palusot :D )

4. Buraot :D

Hmmm. Hindi ko alam kung sadyang mahirap talaga ang buhay ngayon o talagang nakakahawa lamang ang pagkaburaot. Heheh, yung tipong lahat na lang hihingin mo sa katabi mo. J Simula sa ¼, ½, at one whole na papel. Isama mo na pati ballpen yung sagot sa quiz. Hahahha, walang pinapalampas… Pati pangdota, pangload, pang- ambag, pang – recess :D , lahat … basta maiaasa sa friendship o sa katabi, GO GO GO! Mabuhay ang mga buraot! Well, hindi naman magkakaroon ng mga buraot kung walang mga “mabuburaotan”. Oha! Pero parte na talaga yan ng hayskul, kung saan, nagiging KAPAMILYA mo na ang mga taong nasa paligid mo. Odiba? Kapag itinuturing mo naman na kapamilya ang isang tao, hindi mahirap magGIVE diba? Hayst, miss ko ng mamburaot at maburaotan. J

3. Nagsimula ang lahat sa eskuwela…

Astig ang hayskul. Dito mo makikilala yung mga taong hindi mo inakalang magiging kadikit ng bituka from then on. Minsan, dito rin natetest ang friendship niyo ng mga childhood friends mo. Yung tipong kahit since birth na kayo magkakaklase eh hindi parin kayo nagkakasawaan ng mukha. Oha? May ganung factor!

At syempre, kelan ba naman mawawala sa hayskul ang mga barkada.?Oooops! Kahit pa divided ang classroom sa mini- barkadas, syempre, united pa rin yang mga yan as a whole nuh? Diba?!  Hindi mo naman kasi pwedeng makasama ang buong klase habang naglalakad kayo sa kalsada diba? Tsaka matter of special bonding lang naman eh. Merong mga spicegirls ( bfs), the virgins ( kalowkah brigade) taratitats :D BFFS (sakdelj2) anime addicts ( saosa), boyband ( wahahahaha xD) katulad ng p***stars. Dito ka nagkakaroon ng extended family… Yung tipong kahit hindi mo naman kaanu – ano ay tinuturing mo na malaking part ng puso mo. May mga bagay kasi na hindi mo naman masabi sa parents o mga kapatid  mo pero hindi mo  naman kaya ng sarilinin… Diba?

now & forever

now & forever

Sa hayskul ko sobrang naabsorb ang ibig sabihin ng FRIENDSHIP. Ang mga tunay na kaibigan ay hindi lang nandyan kapag kailangan mo sila, nandyan din sila kahit di mo kailangan. Odiba? “To have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part.”Yun, kung pwede ko lang pakasalan ang mga GIRLFRIENDS ko, para di na kami magkahiwahiwalay.. nakaw! May mga tao kasi na makikilala mo at hindi mo ineexpect na mananatili sa puso mo forever and ever amen. Hayst, thankful ako kay God kasi binigyan niya ko ng the best na klase kung saan alam kong naging totoo ako sa sarili ko at nagkaroon ako ng mga kaibigang kahit hindi ko na nakakasama ngayon, eh nakatatak pa rin hindi lang sa isip at puso ko,tagos hanggang kaluluwa eh… at alam kong kahit lumipas man ang maraming taon at magkahiwahiwalay na kami ng landas, hinding hindi pa rin magbabago ang katotohanan na wala na kong makikitang mas bobongga pa sa kanila. Yung mga kaibigang nakilala ko nung hayskul, yun yung mga kaibigang gusto kong makasama hanggang pagtanda ( naks, drama uii!) Sabi nga ng isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko “you’re such a blessing!”

2. ^^bestfriends

bheiks && me

bheiks && me

Kulang ang hayskul kung wala kang bestfriend. Sabi nila isa lang daw ang pwede mong maging bestfriend… “best” friend nga eh! Malayo na ko sakanya at hindi ko alam kung naalala pa niya ko.. Pero, isa sa mga highlights ng hayskul life ko ay ang bestfriends ko at ang nagiisang bheiks ng buhay ko.

Sobrang mahal ko ang mga superfriends ko… at kahit ano pang magyari, alam kong hindi na ko magkakaroon ng mga kaibigang hihigit pa sa kanila. Alam mo yung feeling na complete ka at Masaya.. MASAYA in a way na kahit alam mong marami kang problema at kaemohan dyan sa puso mo, kapag kasama mo si bestfriend mo, ayun… alam mong ikaw ang “the lucky one”. Gabi – gabi ko pa rin naiisip ang bestfriend ko.. Sana ok lang siya, healthy… walang swine flu at MASAYA. Kaya nga lang pumapayat siya ngayon eh, hayst… Alam ko na hindi ako magiging kung sino man ako ngayon kung hindi dahil sa kanya.. Alam ko na kahit matagal ko na rin siyang hindi nakikita at matatagalan pa siguro bago ko ulit siya makasama… wala ng hihigit pa sa kanya.. Ewan ko kung totoo ung katagang “nobody’s perfect”.. kasi yung pagiging imperfect niya.. ang dahilan kung bakit siya ang perfect bestfriend ever…Cause you bring out the best in me, like no-one else can do, that’s why I’m by your side, and that’s why I love you…(ui, napakanta siya.:)

i hart u

i hart u

  1. my one and only… one and only YOU

“First love never dies, but true love can bury it alive. :D nice one“ Sabi nga nila, madaming first time sa hayskul. At siguro kasama na rin doon ang first time … first time mong mainlove.. Kahit nga hindi mo first time, feeling mo first time talaga ea.  HAYSKUL – first love, first boyfriend, first heartache…

Feeling mo araw – araw sunny day, at kahit everyday mo na nakikita yung taong mahal mo… hindi ka pa rin nagsasawa… Yung tipong , Makita mo lang siya, overpumping na naman ang heart mo. Kahit nasa crowd pa siya, mapapansin mo siya kasi meron siyang kakaibang aura. Malapitan lang siya ng iba, para kang kinukulam ( ooh! OA! well, kelangang pag-aralan ang pagcontrol nito :p) At yung tipong pag nandyan siya, mga 1 meter away from you eh para kang kiti – kiti na hindi mapakali.. hindi mo alam kung anung gagawin.. anung sasabahin.. nakakatuliro :D

Anong nadarama
Tuwing makikita kang
Dumarating, tuliro
Di malaman ang gagawin
At walang sino mang makapipigil sa akin
At wla ng ibang makapagbabago ng aking isip sayo..haaay!!

Yung tipong, alam mong mahal na mahal na mahal mo siya, at kulang ang forever para mahalin siya ( naks! twilight!) At kahit “you and me against the world” pa yan, wala kang pakialam, siya lang ang mahalaga.. wala ng iba.. Yung alam mong isang tao lang siya pero para sayo buong mundo na ( cheesy. J) At kahit anung mangyari, andun lang siya sa heart mo… at naniniwala ka na kahit meron pang dumating, wala ng makakapantay sa one and only TRUE LOVE mo. Grabe! Ibang klaseng impact ang dala ni Prince Charming… Nakakawindang ng bonggang bongga! Hayst, naku mukhang nadala na ko ahh. Kulang ang isang post para idiscuss to ah..

Kamiss naman ang one and only… one and only… YOU

Hayst.. ang saya balik balikan ng hayskul… At alam kong kahit memories na lang ang lahat, darating ang araw na magkakaroon ng continuation ang lahat ng samahang naumpisahan… Sobrang inaasahan ko yun…

“There will always be a part of me… a part of me which will never grow and will never forget who I was… when I was in high school.”

maria clara pa rin akO :)

Posted in read my MIND ^^ with tags , , , , , , , on May 20, 2009 by jeyden14

.. wow :)

.. wow :)

Hayst, bakit kaya miss na miss ko na…

 

Ang Pilipinas! ;) hahhahahah. Akala niyo kung sino na naman no? Well, maiba naman tayo ngayon. Paguusapan din natin YUN. Hmmm. Iba muna ngayon.

Sobrang wala akong magawa kaya makapagblog naman. Sa totoo lang, ang hirap kasi pag tagalong. Minsan, hindi mo masyado maexpress yung sarili mo. Ewan ko ba, araw – araw (OO, araw-araw pa din ako nagtatagalog, pero sa school, OBVIOUSLY hindi) naman ako nagtatagalog pero pag ganitong FORMAL (duh! Formal na ba yan?) writing eh, mas feel ko ang English. Hmmm. Eh bakit nga ba ako nagtatagalog? Kasi ang post na ito ay tungkol sa pagkamiss ko sa PINAS. Mas realistic siguro kung magtatagalog ako :P .

Ayun, game na. Kamusta na nga ba ako dito sa New Zealand? Hmmm. Wag muna natin isama ang love life kasi hindi na Pilipinas ang pinaguusapan dun…isang tao na lang, GETS? Game ulet. Kamusta na nga ulet ako? Ano ba yan? Redundancy! Hmmm. Sa totoong buhay, grabe! Nakakawindang dito. Nakakabaliw. Nakakatawa? More of nakakalungkot. Iba talaga eh. Malayong malayo sa Pilipinas. Parehong may positive at NEGATIVE differences ang boring na bansang ito. Walang wala sa pinakamamahal kong Pilipinas. :p Well, para mukhang polite, wag na nating sabihing boring kasi ayoko din naman marinig kahit kaninong foreigner na BORING ang bansa KO. Duh! Kailan pa nagging boring ang PILIPINAS ?  Doon muna tayo sa mga positive. Konti lang naman yun eh. Wahahaha XD

*trivia : Alam niyo ba na ang NEW ZEALAND o NZ (en-zed) ay ang pang – apat na pinakamagandang tirhan na bansa sa buong mundo. Kung saang aspeto, yun ang di ko alam :P

Hayst. O sige na nga. Maganda na din tong bansang to. Bakit? Kasi malinis, as in malinis. Malinis hindi dahil may mga streetsweeper o metro-aide (tama ba?!) . Malinis kasi malinis talaga. Bawal magkalat at BAWAL talaga. Bakit? Sa Pilipinas, bawal din naming magkalat, umihi sa kung saan – saan, magtapong ng basura sa ilog at kung anu-anu pa…pero bakit? Nasusunod ba? Hindi naman diba? Iba dito, pag sinabing BAWAL, bawal talaga. May disiplina kasi mga tao. Hmmm. Pipicturan ko mga lugar dito, pero saka na yun, kapag mapayat na ULET ako. Whahaha. Ang kapal no. Ayun pa isa, hindi naman ako tataba ng PARANG katulad nung first year kung hindi masarap ang pagkain dito. Well, hindi naman lahat, YUCK ung spaghetti at tomato sauce dito :p and they don’t say (tomeyto), they say (to – ma – to ) Nakaw, kung makapanglait oh. Pero sobrang sarap ng icecream pati ng gatas. Well, kaya nga unti unti akong lumolobo. :p

Madami din palang playground dito, playground as in yung may slide, seasaw, swing, monkey bars at yung square na may sand sa loob. Ayun, at di lang basta playground, BONGGANG playground. Tsaka syempre libre, nakaka14 na playground na ata ako. Well, di naman eksaktong 14, wala lang yun :p. At naglalaro din ako sa mga playground na yan. Bakit? Kasi feel ko maging bata, mga bata kasi hindi pa pinoproblema ang pag-ibig.  Wahahah, tamang drama. May pagkaenvironmentalist na may pagkanaturalist kasi itong lugar na to. Masyadong mapuno, kahit saan, sa lahat ng schools, sa mga kalsada, as in kahit saan. Pero hindi naman masyadong mukhang gubat…yung iba. At one more thing, sobrang lapit ng beaches sa kalsada. Masyado nga lang malamig. Hindi mo din maeenjoy. ;( Meron pa, nagkalat yung mga doves, bibe at mga ibon dito. Alam mo yun, parang nakikihalubilo sa mga tao. Bawal ka nga lang mag – uwi. Well, pwede siguro. Wag ka lang papahuli. x]

Wala na ko maisip eh…Hmmm. Ayun, dito nga pala halos lahat ng tao may kotse. Dito nga lang kami nagkakotse eh. Dito kasi yung car NEED, hindi luxury. Bakit? Kasi wala ditong tricycle, jeep, fx, pedicab o kung ano pa man. May taxi pero kailangan mong tawagan sa CALL CENTER nila. Hindi pinapara. May mga bus… pero hindi sila humihinto sa kung saan – saan. Sa bus stop lang at ang ibig sabihin nun kung pupunta kang Mercury Drug Store (palengke) at ang bus stop ay nasa OTTO, doon ka bababa, kahit nadaanan ng bus yung destinasyon mo. Maglalakad ka ngayon papuntang mercury.

GETS? At hindi pala uso dito ung para, pag gusto mo ng bumaba may pipindutin ka malapit sa upuan mo at tutunog yun, SIGNAL na may bababa…sa pinakamalapit na bus stop. Wala nga palang bayad yung mga matatanda. May ipapakita lang silang card o SR. Citizens  ID, libre na. Pati yung mga CUTE na katulad ko.. charing :p. Isa pa, mababait pala mga manong driver dito, hindi ka papagalitan kapag hindi mo alam kung saan yung lugar na dapat mong puntahan, tutulungan ka pa, lalo sa mga matatanda, sobrang ginaguide nila…at hindi aandar ang bus hanggat hindi ka pa nakakaupo ng maayos. Naman? Pahabol tungkol sa bus, nagthathank you yung mga tao pagbaba. Polite no? Konti lang nga pala yung nagbubus. Never yun mapupuno unless galing school. Katulad nga ng sinabi ko, halos LAHAT may kotse.

Gusto ko magshare tungkol sa school ko, pero sa next blog ko na yun. J Masyado yung komplikado.Well, ano pa ba? Tsk. Dito pala mababaet yung mga matatandang KIWI (people of NZ). Bakit? Wala lang naghi kasi sa amin. At hindi lang yun isang beses. Hmmm.Sana pati teens nila ganun diba?

Hmmm. Wala na kong maisip na positive eh, Negative? Nakaw! Hhahahha. Let’s get started! BORING! Ahahah. Promise, bakit? Yung mga mall dito parang 3 shopwise lang, o mas maliit pa. Yung pinakamalaking mall nila, parang Sta. Lucia lang. Basta, walang binatbat sa MALL of ASIA.  Hahahha, so proud eh noh!

Nagrerent kasi kami ng bahay at yung banyo sa bahay namin, may bath tub nga, KAHOY naman yung flooring. Mukhang totoo nga na de – tissue lang talaga sila. Hmmm. Ang bad ko.

Ano pa ba? Hindi uso dito yung pag umaga, madaming tao sa kalsada, alam mo yun, buhay na buhay ang lahat. Kahit nga gabi eh, alive and kicking pa din ang mga tao :P . Dito, lagging walang tao sa kahit saan. Hahhahah, mga takot sa araw. Dito ata galing si Edward Cullen eh. Nakaw, CORNY. Wahahha. Ano pa ba? Hayyy.

AYUN! Wahahhaha… Naalala ko na, hindi nga pala ako magiging ganito kung hindi ako isang… KAPAMILYA  L Sobrang boring at nakakahomesick dito, pero kung may channel 2, promise, feeling ko kahit papaano magiging OK aq. J Wala lang, pinanganak kasi ako para maging kapamilya. Hayst. Wala kasing tfc dito, at kung meron man, saan ?! Pero nakakapanuod padin ako ng mga Tagalog movies, katulad nung “ For the First Time’’, “ A Very Special Love’’ at “You Changed My Life”. May napanuod na din akong gma movies. Wala naman kasing choice. Hayst. Hindi ko na natapos yung Betty L Favorite ko pa naman yun. Pati yung Santino, naalala ko tuloy si Aaron at si BRO. Hayst, pati Tayong Dalawa. Hay naku. L At eto pa, yung mga Samoan dito, yung mga nakatira sa mga islands malapit sa NZ, naku! Alam nila yung mga KAPAMILYA soap opera. Wahahahha. Favorite nga din nila si Papa P eh at si JUDAY.:) Ang saya! KAPAMILYA lang ah. Kung paano, yun ang di ko alam. Pinapalabas daw kasi sa kanila, with English subtitles. Oh diba, ang sosyal.

Hayst. Miss ko na talaga Pilipinas. Sobra… Babalik talaga ako diyan , may babalikan man ako o wala. I’ll always be a FILIPINO, inside and out. English yun ah :P Mahal ko talaga bansa ko! Hindi mo naman maiaalis sa akin yun eh. Kung bakit, hindi ko alam, mayroon lang talaga siguro akong napakalakas na resistance to change. Hmmm. Ngayon ko lang napagtanto, iba ang mga PINOY. Lalo sa school, dito ko naranasan yung alam kong hinding hindi ko mararanasan sa Pilipinas. Pero ganun talaga, talagang masyadong mataas ang expectations ni BRO sa emotional abilities ko. Kaya ko pa ba? Sana… Kakayanin syempre. As if may choice diba. Whooo. Naconvince ko naman ba kayo? Kumbinsihin ko muna sarili ko.

Pahabol* Sa school kasi  may bumisitang mga CHINESE, tapos yun kumakanta sila ng Chinese. Yung mga kaklase ko naman may nadiscover na new Chinese word. Nakalimutan ko na yung Chinese word nay un eh pero kunware ‘’sarang he” yung word.

^classmate: Ei, saranghae, saranghae

MAYDEN: What?

^classmate: saranghae? You know, SAA RANGG HAE. Saranghae.

MAYDEN: I’m sorry but I can’t understand you.

^classmate: WHY?! You’re Chinese ei.

MAYDEN: I’m NOT. I’m a Filipino.

^classmate: ugh. Sorry :)

Wala lang, share lang, at yung “ei” hindi yan adlib, part yan ng pagsasalita nila, as in. Parang expression nila yan. Katulad ng sh*t, f*uck up at wtf at sh*t. Lahat yan naririnig ko, more than 10 times a day. Hmmmm :/

mayden*

 

twist :]

Posted in read my MIND ^^ with tags , , , , , , , , , , on March 30, 2009 by jeyden14

TWIST

 

drama uii :(

drama uii :(

 

 

Tears fell down my eyes and I can’t stop it cause even if I could, it would be more painful inside. Every story has an end but in life every end is just a new beginning. Well, this is not yet OUR happy ending…

 

All I can do is cry and hope that eventually I can find a way to ease the pain and sorrow I feel… deep down inside. I’ve been living my life the way I want it. From crazy, nonsense yet worthwhile childhood to complicated, thrilling and most of all extremely HAPPY teen life. I just never thought that someday, I have to start again from the very beginning and worse, I have to do it ALONE.

 

How I feel?

No one can completely understand how I feel, for no one is in my exact situation right now. Why is life this unfair? Why do things happen when you least expect them to? Why do my thoughts and my feelings contradict with what is supposedly right? Why do we have to be the happiest person now and be the most miserable one later? Why do destiny have to bring two hearts together when in the end, it will also tear them apart? Tsk… How sad of it. L Why does change has to complicate my life?

–so many questions…I need an answer…–

 

So many thoughts run down my head and I can’t decide on what I should think of…I’m getting insane.

 

Life is uncontrollable, unpredictable and most of all UNEXPECTED. As I grow older and as each life situation worsens or gets better, I realized a lot of things yet most of them is still unbearable in my confused mind and wounded heart.

 

^^You can never force yourself into something when you don’t want to. It takes time.

 

Don’t push yourself too hard. Simply be yourself and don’t worry too much. Things will happen if they’re meant to. Don’t LET GO if you’re still not prepared. Regrets will keep bothering you. Yet you should know when to stop. Don’t keep yourself hanging and waiting for the impossible and the complicated.

 

 

 

^^Patience is a virtue…huh?

Wait. as long as you know you’re still waiting for something. No one knows, maybe someday all your waiting will result to your dream come true. Don’t let yourself regret the day that you decided to quit. Most importantly, follow your heart. It will lead you to your happiness and contentment.

 

^^You can never justify something when you yourself haven’t prove it yet..

 

Together Forever…This is only for married and unconditionally in love couples whereas through thick and thin and no matter what happened, still their love remained undeniably the same. I guess it’s too early for me to conclude my happy ending…of course with him. Yet there’s nothing wrong in hoping that someday my dream will come true…again. Well, if you’re in love right now, cherish it yet don’t expect too much of forever. Remember that change is constant.

 

^^Love makes the world go round.

 

True enough, love makes you think and feel the worth of your life. Remember that in love, you should always be true. Never use someone to move on and never force yourself to let go unless the person you love is already HAPPY with his/her someone new…ehemJ If all the heartaches haven’t disappear, learn to wait and time will heal. True love can wait… I hope so. I believe that someday, in the right time, right situation and right means, I will be happy in love..again J

 

^^Memories will always last.

 

People may change and may separate ways but you can never take away the fact that once in your life, there was this very special person who touched your heart in a way that no one else could. There will be memories which will keep you waiting and you’ll find yourself going back to where it all started.

 

Finally, life is TWISTED.

 

You don’t control everything. You can always predict what will happen next but most of the time, our thoughts are not accurate. You can expect and get hurt and disappointed. Yet, life is much more of what it seems. Your happiness awaits you. Just learn to appreciate and open your eyes to all the possibilities YET, stick to what you believe, believe in your dream and dream that it will sooner happen. You’ll realize how MAGICAL life is.

Lastly, but most importantly, TRUST GOD. Be rest assured that everything happens according to HIS will and each obstacle aims to teach us a lesson. Never doubt in His intentions. God loves us the most and plans the BEST for us.

 

I just really can’t understand myself. I just need to unload. All I’ve written is more of nonsense. I don’t even see the connection of the words I’ve written but still, I was able to express my thoughts and confusions. I owe it a lot to my very special, super – loved, seemingly perfect friend Keanne Ragotero who inspired me in her blogs and DISTRACTED my points of view…in a positive way that I learned to open my eyes to all the possibilities yet still stick to what I really want to happen. Life is twisted…and the rest is still unwritten. You’ll never know how surprising tomorrow may be.

 

*to my beloved prince

We’re going to be two worlds apart but still, I’m hoping that one day we’re going to have our “happily ever after”. You made me happy in ways you never see. Till then. =]